-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa pagkasunog ng isang sasakyan dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Barangay Poblacion, Tangalan, Aklan.

Ayon kay FO1 Russel Rotao ng BFP-Tangalan, ang 2017 model na kotse ay pagmamay-ari ni Police Master Sargent Junel Octavio, residente ng nasabing lugar kung saan, nagisnan na lamang nila ito na nasusunog habang naka-park sa harap ng kanilang bahay.

Bago nito, nagising umano sila ng makarinig ng malakas na putok kaya kaagad nilang sinuri ang pinanggalingan nito kung saan, laking gulat ng mag-anak na nasusunog na ang kanilang sasakyan.

Tinatayang nasa P400,000 ang danyos ng nasabing insidente kung saan, inaalam pa hanggang sa ngayon kung ano ang naging sanhi nito.