-- Advertisements --

Nadamay ang nakaparadang sasakyan sa sunog na naganap sa residential area sa lungsod ng San Juan nitong madaling araw ng Huwebes.

Pasado ala-una ng umaga ng maganap ang sunog sa Brgy. Corazon de Jesus kung saan mabilis naman na nirespondihan ito ng BFP.

Naagapan naman ng BFP ang nasusunog na bahay kung saan bahagyang nasunog ang bahagi ng sasakyan.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng nasabing sunog.