CENTRAL MINDANAO-Nakaligtas ang Provincial Director ng Bangsamoro Human Rights Commission sa Maguindanao sa pamamaril sa Cotabato City.
Nakilala ang biktima na si Attorney Ariff Lao,31 anyos,may asawa at residente ng Cotabato City.
Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Quirubin Manalang na may binili lamang na burger ang biktima sa isang kainan sa Sinsuat Avenue Barangay Rosary Heights 7 ng lungsod at ipinarada ang sasakyan nito sa gilid ng kalsada.
Makalipas ang sampung minuto ay sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ng mga kostumer ng kainan.
Nang tingnan ni Atty Lao ang kanyang sasakyan, nakita nya ang dalawang butas sa left door nito kung saan tumama ang mga bala ng 9mm pistol.
Walang tinamaan sa pangyayari ngunit nagdulot ito ng takot sa mga tao sa lugar.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa naturang pangyayari.