Natiketan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang driver ng sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos dumaan sa EDSA busway kaninang umaga.
Sa naging inisyal na report ng SAICT, wala umanong dalang rehistro at pekeng lisensya din umano ang nakakabit sa sasakyan.
Inamin naman ng driver ng L300 na sinadya umano niyang dumaan sa EDSA busway dahil sa bahagi umano sila ng isang opearsayong ikinakasa umano ng kanilang ahensya.
Hindi naman tinaggap ng mga opisyal ng SAICT ang naging dahilan na ito ng driver dahil hindi umano ito sapat na dahilan ayon sa Department of Transportation.
Sa ngayon ay nakapaghain na ng Show Cause order ang SAICT at DOTR para hingin na humarap sa kanila ang driver at magpaliwanag kasama ang kanilang mga kasamahan tungkol sa naturang paglabag.