Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang indibidwal ang backup car ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. sa lungsod ng Quezon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Catapang na ipinahiram niya ang sasakyan sa kanyang deputy director general for administration na si Al Perreras habang minamaneho ito ni Corrections Officer 1 Cornelio Colalong .
Bukod dito at sakay rin ng naturang pick up na sasakyan si Corrections Officer 1 Leonardo Cabaniero.
Batay sa inisyal na impormasyon pasado ala 6:30 ng umaga ngayong araw habang nasa Skyway ang sasakyan para sunduin si Perreras ng ang mga salarin na sakay ng isang sasakyan ay nag-overtake sa isa pang backup na sasakyan, na minamaneho ni Corrections Officer 2 Edwin Berroya kasama ang pasaherong Corrections Officer 2 Michael Magsanoc, at pinaputukan ang sasakyan na lulan ng Colalong at Cabaniero.
Matapos ang pamamaril , kaagad na tumakas ang mga salarin patungo sa Nagtahan exit ng Skyway.
Kaagad rin na ipinag-utos ni Perreras sa kanyang mga tauhan na iulat ang insidente sa pinakamalapit na police station.
Ayon kay Catapang, nakatatanggap na sila ni Perreras ng mga death threats mula nang ipatupad nila ang iba’t ibang reporma sa BuCor.
Sa kabila nito, sinabi ng BuCor na ang insidente ay hindi makakapigil sa mga opisyal na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap.