Patay sa pamamaril si Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.
Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, lulan ng kaniyang sasakyan ang alkalde dakong 5:30 ng hapon at pagdating sa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy ay doon pinagbabaril ang sasakyan ng alkalde.
Lulan ng dalawang sasakyan ang mga suspek ng tambangan ang sasakyan ni Aquino.
Nakipagpalitan rin ng putok ang nakatalagang security ng alkalde kung saan napatay ang isang suspek.
Inaalam pa ng kapulisan ang mga pagkakakilanlan ng mga napatay na mga biktima.
Bukod sa alkalde ay patay rin ang tatlong kasamahan nito sa loob ng sasakyan.
Nanawagan naman ng hustisya si Samar Representative Edgar Mary Sarmiento para sa agarang pagkamit ng hustisya ng napatay na alkalde.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasabing insidente.