-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Gagamit na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bicol ng satellite technology, partikular na ang Visible Infrared Imaging Radiometer Suite (VIIRS) sa pag-monitor ng illegal fishing sa coastal waters ng rehiyon.

Ang VIIRS ay isang satellite sensor na kayang mag-detect ng mga bangka na gumamit ng ilaw upang maka-attract ng isda.

Epektibo rin ito sa pag-monitor ng boat activities sa iba’t ibang fishing grounds at restricted areas, partikular na sa marine protected areas.

Nang 2018, kabuuang 6,754 ang VIIRS boat detections sa karagatan ng rehiyon kung saan pinakamataas sa Masbate, sinundan ng Camarines Norte at Camarines Sur.

Ayon sa BFAR Bicol, mas mataas na VIIRS boat detections sa lugar ay mas mataas rin ang tsansa na nangyayari ang illegal unreported and unregulated fishing (IUUF) activities.

Batay sa data, ang mga lugar na may mataas na tsansa rito ang fishing grounds ng Asid Gulf, Lamon Bay, Sibuyan Sea Ragay Gulf at Masbate Pass.

Giit pa ng ahensya na ang hotspots sa maritime information report na pareho sa areas of concentration ng VIIRS boat detections.

Available naman ang libreng VIIRS alerts sa pamamagitan ng SMS, email at telegram Apps.