-- Advertisements --
Bumaba ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakalipas na buwan ng Setyembre.
Ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) na mula sa dating 62% ay naging 52% na lamang ito ngayon.
Base sa presentasyon ng SWS na 67% ng mga Filipino ang kontento sa pamumuno ng pangulo habang 11% naman ang undecided at mayroong 15% ang hindi kontento.
Bagamat nasa 52%, maituturing pa rin daw itong “very good.”
Ito na ang pinakamababa na satisfaction ratings ng pangulo mula noong June 2018 na nakakuha lamang ng +45.