-- Advertisements --
Nicki Minaj
Nicki Minaj/ IG post

Naimbitahan ng magtanghal sa Saudi Arabia ang rapper na si Nicki Minaj.

Makakasama ni Minaj sina DJ Steve Aoki at singer Liam Payne sa Jeddah World Fest sa Hulyo 18.

Marami ang kumukuwestyon ngayon sa naging desisyon ng gobyerno ng Saudi Arabia dahil sa pag-imbita kay Minaj.

Kilala kasi ang rapper sa pagkakaroon ng explicit lyrics sa kaniyang mga kanta at ganun din ang pagsusuot ng mga maiikling damit.

Marami ang naniniwala na tila niluwagan na ng gobyerno ng Saudi ang ilang mga ginagawang paghihigpit nito.

Ilan sa mga dito ay ang pagbabalik ng mga sinehan matapos ang 35 taon na nnpagbabawal ganun din ang pagpayag sa mga babae na magmaneho ng mga sasakyan.