-- Advertisements --
Saudi aramco attacks oil drone

BAGUIO CITY – Magsasagawa ng test para sa warning siren ang Saudi Civil Defense sa Huwebes kasunod ng dalawang drone attacks sa mga oil refinery ng naturang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bombo international correspondent Michael Corpuz, dating chief technician ng Star FM-Baguio at ngayon ay nagtatrabaho bilang radio technician sa Saudi Arabia, sinabi niya na isinasagawa ang siren alarm test kapag mayroong banta ng missile.

Kaugnay nito, inilarawan ni Corpuz na pagkatapos ng drone attack ay “business as usual” ang kalagayan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Aniya, hindi naman naapektuhan ang suplay ng mga pangunahing commodities at tuloy-tuloy pa rin ang araw-araw na gawain ng mga tao doon, kabilang na ang mga OFWs.

Tiniyak ni Corpuz na maayos ang kalagayan ng mga OFWs sa Saudi Arabia sa kabila ng nangyaring drone attacks at sinabi pa niya na walang dapat ipangamba kung tungkol sa kanila.