-- Advertisements --
Tinatalakay na ng Department of Migrant Workers at Saudi Arabian government ang posibilidad ng deployment ng Filipino skilled workers sa middle east country para sa mega infrastructure projects.
Ayon kay Migrant Workers USec. Patricia Yvonne Caunan, nagsasagawa ng regular na pagpupulong ang ahensiya kasama ang counterparts nila sa Saudi para maisapinal na ang posibleng kasunduan para sa deployment ng manggagawang Pilipino mula pa noong Oktubre.
Kailangan muna aniyang maplantsa ang mga detalye para sa deployment dahil magbubukas ang Saudi ng oportunidad sa trabaho para sa daan-daang libong mga Pilipinong skilled workers.
Umaasa ang opisyal na matapos ang pag-uusap at maisapinal ang anumang kasunduan sa deployment sa unang kwarter ng 2024.