Opisyal na inanunsiyo ng FIFA na ang magiging susunod na host ng FIFA World Cup 2030 at 2034.
Ang 2030 edition ay paghahatian ng mga bansang Spain, Portugal at Morocco.
Habang ang 2034 edition ay ang Saudi Arabia na siyang bukod tanging nag-bid para makuha ang hosting.
Maraming grupo naman ang hindi sang-ayon sa pag-host ng Saudi Arabia ng nasabing torneo.
Ayon kay Michael Page ang deputy director ng Middle East at North Africa ng Human Rights Watch, na magkakaroong ng maraming paglabag sa hosting ng Saudi Arabia.
Ilan sa mga issues na maaring lumabas ay ang pang-aabuso sa mga migrant workers, freedom of speech at ang karapatan ng mga minority groupsa Saudi Arabia.
Noong mga nakaraang taon ay patuloy ang ginagawang investment ng Saudi Arabia kung saan doon na ginanap ang boxing, esports at Formula One.
Sa hosting ng Saudi Arabia ng World Cup ay magtatayo sila ng 11 stadiums at 185,000 na mga bagong hotel rooms.