-- Advertisements --
Babayaran ng Kingdom of Saudi Arabia ang 9,000 overseas Filipino workers (OFW) na napilitang umuwi dahil sa hindi nila pagtanggap ng kanilang sahod.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na ito ang napagkasunduan nila sa pagpupulong niya kay KSA Labor Minister Ahmed al-Rajhi na isinagawa sa Abu Dhabi noong nakaraang araw.
Dagdag pa nito na nakakatakdang bumisita ang labor minister ng Saudi sa bansa para magbayad ng kabuuang P4.6 bilyon.
Posible bago aniya sa Pasko ay tuluyan ng bayaran ang mga OFW.