-- Advertisements --
Masayang ipinamalita ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang malaking pangangailangan ng mga Filipino workers sa isang sikat na hotel sa Israel habang maraming mga Filipino nurses ang kailangan sa Saudi Arabia.
Sinabi ni POEA Undersecretary Bernard Olalia, na mas pinipili ng hotel and tourism industry sa Israel na kumuha ng mga manggagawang Pinoy.
Inaasahan na magsisimula ang nasabing pagkuha ng mga Pinoy workers sa buwan ng Oktubre.
Aabot naman sa 1,000 mga kababaihang nurses ang kailangan ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Kasabay nito nagbabala ang POEA na huwag basta makipag-ugnayan sa nag-aalok ng mga trabaho sa ibang bansa para hindi mabiktima ng illegal recruitment.