-- Advertisements --
drone1
Reuters

Asahan na ang krisis sa supply ng langis at ang pagtaas ng presyo sa world market kasunod ng pag-atake ng Houthi rebels sa Saudi oil facilities nitong Sabado na siyang biggest crude exporter sa buong mundo.

Ayon sa report, nasa limang porsiyento ng global oil supply ang nawala dahil sa pag-atake sa dalawang planta ng langis na itinuturing na ‘heart of the Saudi oil industry’.

Paralisado ngayon ang produksiyon ng langis na nasa 5.7 million barrels per day (bpd) ang production, higit sa kalahati na output ng Saudi sa isang araw.

“Oil prices will jump on this attack, and if the disruption to Saudi production is prolonged, an SPR release seems likely and sensible,” pahayag ni Jason Bordoff, founding director of the Center on Global Energy Policy at Columbia University in New York.

Ayon naman sa U.S. Energy Department, dahil sa pagtaas ng presyo ng langis ng ilang dolyar bawat barrel na posibleng matatagalan pa ang oil crisis, asahan na rin na ang Amerika at ang iba pang bansa ay maglabas ng langis mula sa kanilang strategic petroleum reserves ng sa gayon matustusan ang demand ng crude oil sa pandaigdigang merkado.

Sa ngayon, hindi pa mabatid ang lawak ng pinsala sa dalawang planta ng langis dahil sa drone attack.

Ayon kay Amin Nasser, chief executive ng Saudi Aramco na ginagawa na ng kumpanya ang lahat para maibalik sa normal ang operasyon ng nasabing planta.

Nasa 7 million barrels per day (bpd) ang na- export na crude oil ng Aramco nuong nakaraang taon at naideliver na ito sa kanilang mga customers sa Asya.

Batay sa ulat may 188 million barrels pang naka reserve ang Saudi.

Inakusahan naman ni US Secretary of State Mike Pompeo ang Iran sa pag-atake sa Saudi oil facilities pero walang ebidensiya na magpapatunay na ang pag-atake ay mula sa Yemen.


“Amid all the calls for de-escalation, Iran has now launched an unprecedented attack on the world’s energy supply,” pahayag ni Pompeo

Ayon naman sa International Energy Agency, or IEA, kanilang mino-monitor ang sitwasyon sa Saudi Arabia.

“We are in contact with Saudi authorities as well as major producer and consumer nations. For now, markets are well supplied with ample commercial stocks,” pahayag ng International Energy Agency. (CNN,Reuters)