Nagbabala si Saudi Foreign Minister Prince Faisal bin Farhan na inilalagay ng bansang Iran sa lubhang mapanganib na kalagayan ang buong mundo sa ginagawang pagpapalakas ng nuclear activities nito sa gitna ng pagsusumikap na pagbabalik ng Iran capital sa 2015 nuclear deal.
Sa isang news conference sa Washington, nanawagan si Farhan ng agarang suspensiyon sa aktibidad ng Iran hinggil sa paglabag sa kasunduan na Joint Comprehensive Plan of Action o mas kilala na Iranian nuclear program kapalit ng economic sanctions relief nito.
Hinikayat din ng lider ang mabilis na resumption ng indirect talks sa pagitan ng US at Iran.
Sang-ayon naman si US President Joe Biden na makipagnegosasyon na ibalik ang naturang kasunduan subalit sa kabila nito, ang bagong talagang si Iranian President Ebrahim Raisi naman tumangging ibalik ang indirect talks sa Amerika.