-- Advertisements --

Nagpatupad ng dalawang linggong ceasefire ang Saudi-led coalition sa pakikipaglaban sa Yemen dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon sa coaliton na ang nasabing hakbang ay bilang suporta sa ipinapatupad na hakbang ng United Nation para tuluyang mapahinto ang pagkalat ng coronavirus.

Ginawa nila ito kahit na walang naiulat na nadapuan ng virus sa Yemen.

Ikinatuwa naman ni UN Secretary General Antonio Guterres ang ginawang hakbang na ito ng Saudi Arabia.

Duda naman dito ang rebel group na Houthi movement na siyang lumalaban sa pro-government kung saan tinawag na ang hakbang ito ng Saudi ay isa lamang patibong.