-- Advertisements --
Nanawagan ang Saudi Arabia ng pagkakaisa sa ng mga Arab countries laban sa Iran matapos ang ginawa nitong pang-aatake.
Sinabi ni Saudi Foreign Minister Ibrahim al-Assaf, ito ang isa sa mga tatalakayin ng mga bansang dadalo sa ipinatawag na emergency Arab summits.
Dagdag pa nito na kahit na karamihan sa mga bansa ay umiiwas na magkaroon ng giyera ay determinado naman si King Salman na ipagtanggol ang interest ng bansa.
Inakusahan kasi ng Riyadh ang Tehran na siyang nag-utos ng drone strikes sa kanila na unang inako ng Iran-aligned Houthi group ng Yemen.