Ibinunyag ng US Intelligence na ipinag-utos mismo ni Saudi Prince Mohammaed bin Salman ang pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi noong 2018.
Sa inilabas na ulat na aprubado ni Prince Salman ang planong “capture or kill” sa US-based Saudi exile.
Ito ang unang pagkakataon na direktang itinuro ng US ang crown prince na nauna ng pinabulaanan ang akusasyon.
Magugunitang pinatay si Khashoggi habang bumibisita sa Saudi consulate sa Istanbul, Turkey.
Naging dating adviser ang 59-anyos na si Khashoggi sa Saudi government at malapit sa royal family.
Noong sumama na ang relasyon niya sa royal family ay nag self-exile ito sa US noong 2017.
Mula noon ay nagsulat siya sa Washington Post kung saan binabatikos ang polisiyang ipinapatupad ni Prince Mohammed.