-- Advertisements --

Nangako ang Saudi Arabia na gagawa sila ng mga nararapat na hakbang kung mapapatunayan sa kanilang imbestigasyon na ang Iran ang nasa likod ng pang-aatake sa kanilang mga oil facilities noong nakalipas na linggo.

Ayon kay Saudi Minister of State for Foreign Affairs Adel al-Jubeir, lumalabas umano na galing sa Iran ang mga armas na ginamit sa drone attack sa Saudi Aramco.

Kumokonsulta rin aniya sila sa kanilanig mga kaalyado, at magsasagawa umano sila ng aksyon sa oras na makumpleto na ang imbestigasyon.

“The kingdom will take the appropriate measures based on the results of the investigation, to ensure its security and stability,” wika ni al-Jubeir.

Muli ring inihayag ng opisyal na nanggaling sa hilaga at hindi sa Yemen ang mga strike na pinuntirya ang Abqaiq oil facility at Khurais oil field.

“We are certain that the launch did not come from Yemen, it came from the north. The investigations will prove that.”

Hinimok naman nito ang international community na magkaroon ng paninindigan sa isyu.

“The kingdom calls upon the international community to assume its responsibility in condemning those that stand behind this act, and to take a firm and clear position against this reckless behaviour that threatens the global economy,” ani al-Jubeir.

Samantala, nagbabala ang commander ng Revolutionary Guards ng Iran na magiging “main battlefield” ang teritoryo ng sinumang bansa na umatake sa kanila.

“Whoever wants their land to become the main battlefield, go ahead,” giit ni Guards commander Hossein Salami. “We will never allow any war to encroach upon Iran’s territory.”

“Be careful, a limited aggression will not remain limited. We are after punishment and we will continue until the full destruction of any aggressor,” dagdag nito.

Una nang sinabi ni Secretary of Defense Mark Esper na magpapadala umano ang Estados Unidos ng tropa sa Saudi Arabia upang palakasin ang depensa ng bansa. (BBC/ Al Jazeera)