-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sinagip ang isang sawa na natagpuang lumalagalag sa runway ng Davao International Airport.

Batay sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines – Davao, isang Phython snake ang nahuli na may taas na 3.4 meters at may bigat na mahigit 17 kilos.
Sinubukan itong sagipin ng mga personahe ng Aircraft Rescue and Fire Fighting team ng nasabing paliparan ngunit sa kasamaang palad ay nakagat ng sawa ang kanang bahagi ng kamay ng isa sa mga rescuer.

Bagamat mapanganib ang pagdakip sa sawa, matagumpay naman itong naisagawa.

Nai-turn over na ang naturang hayop sa Central 911 at balak itong ibalik sa natural na tahanan sa mga kagubatan ng lungsod.

Samantala, agad namang naagapan ng Central 911 ang nasugatang rescuer.