-- Advertisements --

Nadomina ng Pinoy group na SB19 ang ang 16th Awards for Music.

Humakot ng apat na awards ang grupo sa awarding ceremony na ginanap sa lungsod ng Makati nitong gabi ng Linggo.

Ilan sa mga awards na nakuha ng grupo ay ang : Song of the Year, Album of the Year, Duo/Group Concert of the Year at Dance Recording of the Year.
Nagkamit naman ng dalawang awards ang OPM icon na si Gary Valenciano na lifetime Achievement award at Collaboration of the Year sa kantang “Walang Pumalakpak” kasama niya si Gloc-9.

Nagwagi naman si Gloc-9 ng Album of the Year sa album nitong “Pilak”.

Mayroong dalawang awards naman ang nakuha ni Juan Karlos na “Male Recording Artist of the Year ” sa kantang “Ere” at Rock Album of the Year na “Sad Songs and Bullshit”.