-- Advertisements --

Panibagong karangalan naman ang nakuha ngayon ng Pinoy group na SB19.

Nanguna kasi ang kanilang kantang “DAM” sa Billboard World Digital Song Sales.

Dahil dito sila ang unang Pinoy na nakapagtala ng nasabing record.

Ang World Digital Song Sales ay binabase sa pangunahing downloaded na kanta sa buong mundo kada linggo.

Sa social media account ng grupo ay pinasalamatan nila ang kanilang fans.

Ang nasabing kanta ay inilabas ng grupo nitong Pebrero 28 na nagsisilbi bilang pre-release ng kanliang extended play na “Simula At Wakas”.