-- Advertisements --
CTTO Shooting incident 2

ZAMBOANGA – Dead on arrival sa pagamutan ang isang sangguniang bayan member matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek kahapon ng hapon sa Brgy. Comunal, Liloy, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang biktima na si Ernesto Mharjun Bihag Jr., 46-anyos, kasalukuyang konsehal ng nasabing bayan.

Base sa impormasyon mula sa Liloy PNP, binabaybay umano ni Bihag ang nasabing kalsada lulan ng kanyang Toyota Fortuner na sasakyan ng biglang mag-overtake ang isang kulay maroon na Toyota Innova at pinaulanan ng bala ang biktima.

Dahil dito, nag-overshoot sa daan ang konsehal at bumangga pa sa puno ng kahoy.

Sinubakan pang isugod sa pagamutan ng mga rescuers si Bihag na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ngunit hindi na umabot pang buhay.

Samantala, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang PNP hinggil sa nasabing pangyayari.