-- Advertisements --

Magsasama ang mga world class P-Pop groups na SB19 at 4th Impact sa isang benefit show na tutulong sa mga scholar ng isang foundation.

Sa pahayag ng SB19 at 4th Impact sa 89.5 Star FM Baguio, inamin ng mga ito na pressured sila ngunit kapwa naman umanong napabilib sa galing ng bawat grupo.

Sinabi rin ng Billboard-recognized group at former X-Factor UK contestants na looking forward sila na magkatrabahong muli.

“Yes, we’re looking forward to do a song together with the P-Pop kings. Working with them gives different energy kasi parang it’s a pressure in the same way kasi they’re P-Pop kings na but they’re very humble and they’re very nice and cute kaya nakakainspire to perform and parang mas ginalingan pa namin when we are with them. SB19 na to eh” – saad ng 4th Impact.

Nagbigay reaksyon rin ang SB19 sa kanilang naging pagsasama ng 4th Impact.

“Magaling. To be honest, when we saw them perform parang ayaw na naming magperform ganun sila sobrang kagaling they’re very professional. Whenever we see others artists perform and showing their talent, their craft, how they are as a performer talagang naamaze po kami, iba yung atake nila compared sa mga ginagawa namin. It’s very interesting and exciting to perform with different artists as well.”

Itatampok nga sa nasabing concert ang ilang classical renditions ng mga pinakasikat na kanta ng dalawang grupo.