-- Advertisements --

Inanunsyo ng P-pop group na SB-19 na excited na ang mga ito sa kanilang isasagawang ”Simula at Wakas World Tour” kung saan lilibot sila sa 18 na lungsod sa Asia, Middle East, at North America.

Magsisimula ang naturang tour ng grupo sa Bulacan na nakatakda sa Mayo 31, 2025 pagkatapos ay susundan nila ito sa Taipei sa Taiwan sa Hunyo habang sa Hulyo ay lilipad naman ang SB19 sa North America na unang mag papakilig sa California at Canada.

Kasama pa sa mga lugar na pagdadausan ng concert ng SB19 ay ang bansang Hawaii, Singapore, Dubai, Doha, Riyadh at sa Jeddah.

Habang inanunsyo naman ng mga ito ang iba pang mga lungsod na kanilang pagdadausan kabilang ang Sydney, Melbourne, Tokyo at Hong Kong.

Ang naturang world tour ay kasunod ng matugampay nilang world tour noong nakaraang taon na ”Pagtatag World Tour.”

Sabik naman ang mga fans sa nakatakdang pag-release ng kanilang album sa Abril na kapareho ng pangalan ng kanilang world tour ngayon.

Maaalalang unang nag-released ang P-pop group ng kanilang first album na ‘Get in the zone’ noong 2020 na sinundan naman ng ‘PAGSIBOL’ noong 2021 kasama ang kanilang sikat na ‘PAGTATAG’ na ini-released noong 2023.