-- Advertisements --

Inilabas na ng Pinoy P-pop group na SB19 ang bago nilang kanta n a “DAM”.

Ang nasabing kanta ay bahagi ng standard version at extended version para sa inaabangang extended play (EP) ng grupo na “Simula At Wakas” na ilalabas sa Abril 25.

Ayon sa grupo na ang music video ay hango sa mga nilalaro nilang video games.

Dagdag naman ng kanilang lider na si Pablo na sabik na itong iparinig sa mga fans kung ano ang kanilang magiging reaksyon sa nasabing bagong music video.

Una rito ay naghahanda na rin ang grupo para sa “Simula At Wakas” world Tour na magsisimula sa Philippine Arena sa darating na Mayo 31.