-- Advertisements --

Kabilang ang Pinoy pop supergroup na SB19 sa finalist ng top social artist ng 2021 Billboard Music Awards (BBMA).

Kasama nila sa ranking ang sikat na K-pop group na BTS at Blackpink.

Nakasama ang grupo matapos ang ginawang fan-voted category ayon sa listahan ng mga nominees na inilabas ng BBMA.

Dahil dito ay sila ang unang Filipino na nominado sa top social artist category mula noong ito ay ilunsad noong 2011.

Mula kasi noong 2011 hanggang 2016 ay hawak ni Canadian singer Justin Bieber ang nasabing titulo.

Natigil lamang ito ng pumasok ang BTS mulas 2017 at 2020 ng hawakan nila ang titulo.

Gaganapin ang BBMA sa Mayo 23 at ito ay mapapanood via streaming mula sa Microsoft Theaters sa Los Angeles.