-- Advertisements --

Inanunsiyo ng P-pop boy group na SB19 ang paglabas ng bago nilang kanta sa susunod na buwan.

Sa social media account ng group ay pinasilip nila ang ilang bahagi ng video ng kantang “Moonlight”.

Ang nasabing kanta ay nakatakdang ilabas sa Mayo 3 sa lahat ng mga online streaming platform.

Matatapos lamang kasi ang kanilang Pagtatag World Tour sa Abril 24 sa Dubai at Abril 29 sa Japan.

Magtatapos ang kanilang world tour sa Mayo 18 sa Araneta Coliseum.

Ang grupo ay kinabibilangan nina Stell, Pablo, Josh, Ken, at Justin kung saan sumikat sila sa kantang “Go Up” noong 2019 at ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang “What?”, “Bazinga”, “Gento” at maraming iba pa.