-- Advertisements --
Nagdagdag ng isa pang gabi para sa kanilang solo-show ang SB19.
Ayon sa promoter nito na ang kanilang “Simula at Wakas ” ay magiging 2-night concert na.
Ang unang petsa kasi sa Mayo 31 ay na-sold out na kaya pinagbigyan nila ang mga fans at idinagdag ang Hunyo 1 para sa ikalawang gabi.
Ang nasabing concert ay promotional tour ng grupo para sa kanilang album na “Simula at Wakas” na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan.
Magsisimula ang pagbebenta ng tickets para sa 2nd night show sa darating na Abril 15.