-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng bagong kanta ang Pinoy group na SB19.

Sa kanilang social media account ay pinasilip nila ang teaser ng kanilang bagong proyekto.

Ilalabas ang nasabing bagong kanta sa darating na Pebrero 28 na susundan ng paglabas din ng kantang “Simula at Wakas” sa Abril 5.

Inanunsiyo din nila ang pagsisimula muli ng kanilang mga concerts sa darating Mayo 31.

Magugunitang noong 2020 ng ilabas nila ang unang album na “Get in the Zone” na sinundand ng kantang “PAGSIBOL” noong 2021 at ikalawang album na “Pagtatag” noong Hunyo 2023.