-- Advertisements --
Pabalik na sa bansa ang Gilas Pilipinas matapos ang bigong kampanya sa FIBA World Cup
Agad na magpapatawag ng meeting si Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para pag-aralan ang bigong kampanya ng Gilas sa nabanggit na torneo.
Sinabi ni SBP Chairman emeritus Manny Pangilinan, tinawagan na niya sina federation president Al Panlilo at para magsagawa ng pagpupulong sa PBA board na pinangungunahan ni Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial.
Ayon kay Marcial na wala silang sisihin at maaaring pag-aaralan nila ang naging pagkukulang sa laro ng Gilas.