-- Advertisements --
Nakatakdang makipagpulong ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) at PBA para plantsahin ang gagawing training sa Gilas Pilipinas.
Kasunod ito ng pagbibigay na ng go-signal na makasali ang Gilas sa Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Belgrade sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.
Umaasa rin ang SBP na sa mga panahon na iyon ay makumpleto na ang naturalization papers ni Ange Kouame.
Sinabi ni SBP President Al Panililo na kanilang aayusin ang line ups ng mga manlalaro para magtagumpay ang Gilas sa sasalihang torneo.
Labis naman na ikinatuwa ng SBP ang pagsali ng Gilas sa nasabing OQT.
Magugunitang inanunsiyo ng FIBA na nabigyan ng slot ang Gilas sa Serbia qualifiers dahil sa pag-atras ng New Zealand.