-- Advertisements --

Ibinunyag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na patuloy ang kanilang komunikasyon sa kanilang mga counterparts sa mga bansang Russia at Spain para plantsahin ang tune-up games para sa Gilas Pilipinas.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, nakikipag-ugnayan daw ito kay dating NBA player Andrei Kirilenko, na siyang commissioner ng Russian Basketball Federation.

Kabilang sa mga pinaplantsa ngayon ang bilang ng kanilang gagawing tune-up games kung saan bukas ang Russia na mag-ayos ng dalawang friendlies.

Target aniya nila ngayon na itakda ang mga friendlies sa pagtatapos ng Agosto, malapit sa pagsisimula ng prestihiyosong 2019 FIBA World Cup sa Agosto 31.

Umaasa naman ang SBP na maisasapinal na sa mga susunod na araw ang schedule ng hiwalay na tune-up games kontra sa Spain.