-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pakikipag-usap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa mga opisyal ng FIBA para makuhang makapaglaro sa Gilas Pilipinas si NBA Filipino-American player Jordan Clarkson.

Gilas Pilipinas 1
Jordan Clarkson / Gilas Pilipinas Image

Sinabi ni SBP President Al Panlilo, nais nilang ipabasura sa FIBA ang pag-require sa mga atleta na dapat mag-secure sila ng passport sa edad 16 bago maging eligible na maglaro sa isang national team.

Dagdag pa nito na hindi sila titigil hanggang mapapayag nila ang FIBA at tuluyang makumbinsi na maglaro si Clarkson sa Gilas.

Sakaling maibasura ng FIBA ang nasabing panuntunan ay maraming mga Filipino-foreigner ang makakasali sa Gilas pool gaya nina Mo Tautuaa, Stanley Pringle at Christian Standhardinger.

Nauna rito pinayagan ng FIBA si American-Indonesian player Brandon Jawato na makapaglaro sa Indonesian national team.