-- Advertisements --

Walang isasamang PBA players sa GILAS Pilipinas selection na maglalaro na 2021 FIBA Asia Cup qualifiers at Olympic Qualifying Tournament.

Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na nagkaroon ng kumplikado ang schedule ng PBA at FIBA kaya nagdesisyon sila na huwag ng magsama ng PBA players sa dalawang torneo.

Gaganapin kasi sa ikalawang linggo ng Hunyo ang FIBA Asia Cup habang ang Olympic Qualifying Tournament sa Serbia ay gagawin mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

Nais kasi ng SBP na ngayong buwan pa lamang ay dapat sinimulan na nila ang pag-eensayo para sa nasabing torneo kung saan mahihrapan ang mga PBA players dahil nakatakdang magsimula ang 46th Season ng PBA sa Abril 11.

Makakaharap ng Gilas ang Korea at Indonesia sa final window ng qualifiers sa Hunyo habang makakasagupa nila ang Serbia at Dominican Republic sa Olympic Qualifying Tournaments.