Hinihintay pa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang kautusan mula sa FIBA matapos na nakatanggpap ng ‘notice of adverse analytical finding’ si Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee.
Una ng iniulat ng SBP na muling nagpositibo si Brownlee ng pinagbabawal na substance na kadalasan ito ay matatagpuan sa mga ‘recreational’ drugs.
Ayon sa SBP na inaayos na ng abogado ng Brownlee mula sa US ang nasabing kaso.
Paglilinaw pa ng SBP na wala pang naipapalabas na official ruling ang FIBA hanggang sa kasalukuyan.
Ang nasabing “notice of an adverse analytical finding” ay may kinalaman sa doping violation subalit hindi na isinawalat pa ng SBP kung kailan lumabas ang resulta.
Huling naglaro si Brownlee sa international campaign ay noong FIBA Asia Cup 2025 qualifiers noong Pebrero kung saan nakaharap nila ang Chinese Taipei at ang New Zealand.