Humanga ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) dahil sa bilis na makibagay sa paglalaro si Filipino-American player Jordan Clarkson sa ilang Gilas Pilipinas players.
Sinabi ni SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios, na sa ilang araw lamang ng pagsali ni Clarkson sa ensayo ng national basketball team mula ng dumating sa bansa ay nakahabol ito sa mga play na ipinagawa sa kaniya ni Gilas coach Chot Reyes.
Dahil dito ay madaling makuha ng Gilas ang momentum ng laro.
Kumpara aniya noong 2018 ng unang maglaro si Clarkson sa bansa noong 2018 Asian Games ay nag-matured na aniya ang laro nito.
Nagtungo na sa Lebanon ang Gilas para sa laro nila sa Agosto 25 at babalik sa bansa sa Agosto 29 para makaharap ang Saudi Arabia sa fourth windown ng 2022 FIBA World Cup Asian Qualifiers.