Nilalakad na umano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang paglalaro ng Gilas Pilipinas sa isang pocket tournament sa Spain bilang preparasyon sa kanilang pagsabak sa 2019 FIBA World Cup.
Ito’y matapos na hindi na matuloy ang pinaplano sanang dalawang tune-up games sa Russia.
Ayon kay SBP President Al Panlilio, inatasan na nito si team manager Gabby Cui na ayusin na lamang ang isang four-team, pocket tournament sa Europe.
Paliwanag pa ni Panlilio, makakaharap ng Gilas ang mga national squads ng Spain, Ivory Coast, at Congo na posibleng maganap sa Agosto o mas maaga pa, depende pa sa schedule ng PBA.
Una rito, bahagi ng schedule ng Gilas ang Russia ngunit umatras sa huling minuto ang SBP makaraang sabihin ng Russian Basketball Federation na isang tune-up game lamang ang kaya nilang ilaan para sa mga Pinoy.
Samantala, sinabi naman ni PBA Commissioner Willie Marcial na wala pa raw pasya sa kung papahintulutan ang hiling ni Gilas coach Yeng Guiao na magsagawa sila araw-araw na ensayo sa huling buwan bago sila magtungo sa China.
“Depende pa kung ano ang mapagkakasunduan na schedule, so titignan namin kung saan kami mag-a-adjust,†wika ni Marcial.