-- Advertisements --

Inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang 13 pangalan ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 2nd Doha International Cup.

Pinangungunahan ito ni eight-time Most Valuable Player June Mar Fajardo, Troy Rosario, Mason Amos, Calvin Oftana, CJ Perez, Jamie Malonzo, Scottie Thompson, Chris Newsome, Kevin Quiambao, Carl Tamayo, Dwight Ramos, AJ Edu at naturalized player Justin Brownlee.

Isang malaking susi sa Gilas ang presensya nina Edu at Rosario dahil sa kawalan ni Kai Sotto na nagtamo ng ACL injury.

Ang friendly game sa Qatar ay isang paghahanda ng Gilas para sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na Linggo.