-- Advertisements --

Ipinapaubaya na ni Samahang Basketball ng Pilipinas president Al Panlilo kay Gilas Piliipnas coach Tim Cone ang tagumpay ng national basketball team sa mga torneo na kanilang lalahukan sa ibang bansa.

Sinabi nito na may mga sariling programa ang Gilas coach kaya ipapaubaya nito ang diskarte.

Aminado ito na kulang ang mga panahon ng ensayo para sa FIBA Asian qualifiers subalit nagagawan rin aniya ng paraan ni Cone para makasabay sa ibang mga koponan.

Magugunitang makakaharap ng Gilas sa Pebrero 22 ang Hong Kong at sa Pebrero 25 naman ay ang Chinese Taipei na gaganapin dito sa Pilipinas.