Handa pa rin ang Pilipinas na humawak ng anumang events ng FIBA.
Ito ang pagtitiyak ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilo.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pag-atras ng bansa sa hosting ng nalalapit na pangalawang window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers dahil sa travel ban na ipinapatupad ng gobyerno.
Gaganapin sana ang nasabing palaro sa Clark, Pampanga subalit pinili nilang kanselahin ito para hindi na kumalat pa ang bagong variant ng COVID-19.
Paglilinaw pa ng SBP president na naiintindihan ng FIBA ang ginagawang paghihigpit ng gobyerno para mabantayan ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.
Ang nasabing pag-atras aniya ng bansa ay hindi makakaapekto sa co-hosting ng bansa ng 2023 FIBA Basketball World Cup na bukod pa sa bansa ay kasama nila ang Indonesia at Japan bilang host.
Dahil sa pag-atras ng Pilipinas sa hosting ay napili na ang Doha, Qatar na siyang magiging host ng Group A na kinabibilangan ng New Zealand, Australia, Guam at Hong Kong bukod pa sa kinabiiblangan nilang Group E kasama ang Saudi Arabia, Syria at Iran ganun din ang Group B na binubuo ng Japan, China, Chinese Taipei at Malaysia.