Kinondena ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang nangyaring pag-atake sa dalawang referees sa lungsod ng Olongapo nitong nakalipas na Sabado.
Sa pahayag ng SBP, nakipag-ugnayan at nagpaabot na rin daw sila ng tulong sa nasabing mga referees.
Nakipagpulong na rin anila ang kanilang hanay sa mga lokal na otoridad upang panagutin ang suspek sa nangyari.
“The SBP condemns such act of violence which definitely has no place in basketball and in sports, especially against game officials. The referees are the unsung heroes of any sport, for without them, no game can be technically conducted and concluded,†saad sa pahayag na pirmado ni executive director Renauld Barrios.
“SBP Regional Director for Region 3 Gil Cortez traveled to Olongapo City to look into the matter and extend assistance to the referees concerned as well as meet with local authorities so that the case can be proactively pursued,†dagdag nito.
Umaasa rin ang pederasyon na magsisilbi itong aral sa basketball community, at hindi na mauulit pa sa anumang okasyon.
Una rito, kumalat sa mga social media platforms ang nangyaring pag-atake ng isang player sa mga referees sa basketball court sa Barangay Tapinac kung saan bugbog sarado ang isa, habang ang isa pa ay nagtamo ng saksak sa kanyang katawan.