-- Advertisements --
al panlilio
SBP President Al Panlilio

Mga pili at matinding Gilas Pilipinas players ang isasabak umano ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para sa Group A qualifiers FIBA Asia Cup 2021 na gaganapin sa Thailand na magsisimula sa Pebrero 20.

Sinabi ni SBP president Al Panlilo na may mga napipisil na silang ilalagay sa nasabing qualifiers.

Isasapinal na lamang nila ang line up ilang linggo bago ang torneyo.

Mahahati kasi ang na grupo na may tig-apat na koponan ang 16 slots para sa FIBA Asia Cup.

Kabilang ang Pilipinas sa Group A kung saan makakasama nila ang Indonesia, Thailand at South Korea.

Makakaharap ng Pilipinas ang Thailand sa Pebrero 20 at pagkatapos ay ang Indonesia sa Pebrero 23, South Korea sa Nobyembre 27 at Thailand sa November 30.

Dadayuhin naman ng Indonesia sa Pebrero 18 at South Korea sa Pebrero 21 para sa double round-robin ng Group A.

Posibleng mailabas ang nasabing line up nila sa darating na Enero 6.