Tiwala ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na maihahabol ang naturalization ni Ateneo center Ange Kouame bago ang pagsisimula ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.
Sinabi ni SBP special assistant Ryan Gregorio, nasa kongreso na ang naturalization ni Kouame at hinihintay na lamang nila ang resulta.
Nitong Enero kasi ay naghain si Antipolo Representative Robbie Puno ng House Bill 5951 para sa pagbibigay ng Philippine citizenship si Kouame na mula sa Ivory Coast.
May taas na 6-foot-10 si Koume at naglaro na sa Blue Eagles ng dalawang season.
May average ito na 12.5 points, 11.79 rebounds at 3.86 blocks.
Tanging si Kouame ngayon ang manlalaro na interesado ang SBP na bigyan ng naturalization.
Magugunitang nabigyan ng naturalization sina Marcus Douthit at Andray Blatche na naglaro ang mga ito sa 2014 at 2019 ng FIBA Basketball World Cup.