Mahigpit na binabantayan ngayon ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang lagay ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay dahil sa nalalapit ang pag-host ng bansa ng 2023 World Asian Qualifiers sa Pebrero.
Sinabi ni Assistan to SBP President Al Panlilo na si Ryan Gregorio na tatalima sa anumang magiging desisyon ng national government sa mga pagsasagawa ng mga international sporting events.
Umaasa sila na maging normal na ang lahat para matuloy ang nasabing torneo.
Sa February window kasi ay isasagawa sa bansa ang laro ng Group A na binubuo ng South Korea, New Zealand, India at Pilipinas sa isang bubble set-up sa Smart Araneta Coliseum.
Una sana itong isasagawa noong Nobyembre 2021 subalit dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay kanilan itong inilipat sa Pebrero.