-- Advertisements --
Nahalal bilang second vice president ng FIBA Asia Board si Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.
Isinagawa ang halalan sa kasabay ng Zone Assembly sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Napili naman si Dr. K Govindraj bilang pangulo na papalitan niya si FIBA Asia president Sheikh Saud Ali Al Thani.
Ang Chinese basketball legend naman na si Yao Ming ay nahalal bilang chairman habang si Akram Halabi ay magsisilbing bilang first vice president.
Sinabi ni Panlilio na bilang bahagi ng FIBA Asia Board ay mapapadali na nitong matutulungan na maisulong ang larong basketball sa rehiyon.