-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para sa hosting ng 2023 FIBA World Cup sa gitna ng coronavirus pandemic.
Ayon sa SBP, na tinitiyak nila na nasusunod ng gobyerno ang mga guidelines na ipinapatupad sa mga miyembro at opisyal.
Ilan sa mga ginagawang paghahanda ay ang pagsasagawa na nila ng mga video conference sa pagitan ng FIBA Asia at ibang mga stakeholders.
Kabilang ang Pilipinas na magiging co-host ng 2023 World Cup kasama ang Japan at Indonesia.
Mahigpit aniya nila sinusunod ang mga panuntunan na ipinapatupad ng World Health Organization o WHO kabilang ang mass gathering.
Magugunitang maraming mga aktibidad, events, laro at mga basketball clinics ang kinansela dahil sa coronavirus pandemic.