Nais pagpaliwanagin ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang FIBA sa hindi makatarungang scheduling ng mga laro sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifier sa Manama, Bahrain.
Nakatakda sanang makaharap ng Gilas Pilipinas ng dalawang beses ang Thailand habang isang beses ang Korea sa bubble game mula Nobyembre 26-30.
Nagkaroon lamang ng problema matapos na umatras ang Korea sa pagsali sa torneo dahi sa takot mula sa banta ng coronavirus.
Sinabi ni SBP President Al Panlilo dahil sa pag-atras na ng Korea sa torneo ay dapat mabago na rin ang schedule.
Dahil sa bagong schedule ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Thailand at Indonesia .
Ang orihinal kasi ng petsa kung saan makakaharap nila ang Indonesia ay sa Pebrero 18, 2021.
Ayon naman kay SBP Chairman Emeritus Manny Pangilinan na ang pag-atras ng Korea ay dapat magkaroon ng pagbabago sa schedules at dapat bigyan ng sanctions ng FIBA ang nasabing bansa.
Isang hindi makatarungan sa scheduling ay dahil sana sa Pebrero gaganapin ang laro sa Indonesia at Korea.