Dismayadong ikinuwento ng isa sa mga associate justice ng Korte Suprema sa naganap na oral arguments ang naging karanasan nito sa Philppine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Ibinahagi mismo ni Supreme Court Associate Justice Jhosep Lopez na bigo umano siyang makakuha ng mas malaking financial assistance nang siya’y ma-ospital dahil sa sakit.
Aniya, ang kanyang hospital bill na umabot sa halos 7-milyong piso dulot ng esophageal cancer noong nakaraang dalawang taon, tanging 2% lamang ang ikinaltas na nagkakahalaga ng P50,000.
Ginawa niya ang naturang pahayag sa oral arguments ng Korte Suprema hinggil sa legalidad ng pagsasalin ng surplus funds mula sa mga government owned at controlled corporations o GOCCs.
Matapos ang naging pagdinig o oral arguments kahapon ng mga mahistrado, kasalukuyan namang nagpapatuloy pa rin ito na nag-umpisa kaninang pasado alas-dyis pa ng umaga.